Stados Unidos
Isang
republikang pederal ang
Estados Unidos ng Amerika o
Mga Nagkakaisang Estado ng Amerika na may limampung
estado at isang
distritong pederal. Matatagpuan sa kalagitnaan ng
Hilagang Amerika ang karamihan sa mga estado nito kung saan mayroong sariling pamahalaan ang bawat isa na naaayon sa sistemang
pederalismo. Mayroong tatlong lupang
hangganan ang Estados Unidos kung saan sa
Mehikomatatagpuan ang isa habang sa
Kanada naman ang natitira. Pinaliligiran din ito ng iba't ibang anyo ng tubig tulad ng
Karagatang Pasipiko,
Dagat Bering,
Karagatang Artiko, at
Karagatang Atlantiko. Hindi karatig ng dalawang estado (
Alaska at
Haway) ang natitirang apatnapu’t walo. Pareho din nilang hindi karatig ang isa't isa. Mayroong koleksiyon ng mga distrito, teritoryo at iba pang pagmamay-aring panlabas ang Estados Unidos sa iba't ibang bahagi ng mundo. Karaniwang tinatawag na "Amerikano" ang mga mamamayan nito.
Sa sukat na 3.79 milyong milya parisukat (9.83 milyon km2) at may populasyon na 315 milyon, ang Estados Unidos ay ang ikatatlo at ika-apat na pinakamalaking bansa ayon sa kabuuang sukat ng lupa, at ang ikatlong pinakamalaki sa parehonng sukat ng lupa at populasyon. Isa ang Estados Unidos sa pinakamaraming etnisidad at isa sa mga bansang maraming kultura, na bunga ng maraming imigrasyon ng mga tao mula sa iba't ibang bansa.
Ang mga katutubo ng pangunanglupa ng Estados Unidos, kasama ang mga katutubong taga-Alaska, ay pinaniniwalaang lumipat galing sa Asya, simula noong 12,000 hanggang 40,000 nakaraang taon. Ilan, tulad ng bago-Columbyanong kulturang Misisipyo, ay bumuo ng nangungunang agrikultura, magarbong arkitektura, at mga hanay-estadong lipunan. Pagkatapos magsimulang manirahan ang mga Europeo sa mga Amerika, madaming milyon na katutubong Amerikano ay nangamatay mula sa mga epidemikong dala ng mga dayuhan tulad ng smallpox.
Noong 1492, ang taga-Genoang manlalakbay na si Christopher Columbus, sa ilalim ng isang kontrata ng koronang Espanyol, ay nakarating sa ilan-ilang pulong Caribbean, unang nakagawa ng pakikipag-ugnay sa mga katutubo. Noong 2 Abril 1513, ang conkistadoreng Espanyol na si Juan Ponce de Leon ay dumaong sa kanyang binansagang "La Florida"—ang unang naulat na pagdating ng Europeo sa kung ano ang magiging pangunanglupa ng Estados Unidos. Ang mga paninirahang Espanyol sa rehiyon ay nasundan ng mga paninirahan sa ngayo'y timog-kanlurang Estados Unidos na naghikayat sa libu-libo patungong Mehiko. Ang mga mangangalakal balahibong Pranses ay nagtatag ng mga tigilan ng Bagong Pransiya sa paligid ng mga Dakilang Lawa; kinalaunan, inangkin ng Pransiya ang malaking bahagi ng kaloobang Hilagang Amerika; pababa hanggang sa Golpo ng Mehiko. Ang unang matagumpay na panirahang Ingles ay ang Kolonya Virginia sa Jamestown noong 1607 at ang Pilgrimong Kolonya Plymouth noong 1620. Ang pagtatala noong 1628 ng Kolonya ng Look ng Massachusetts ay nagbungta ng isang malaking paglilipat; noong 1634, ang Bagong Inglatera ay tinirhan na ng 10,000 na mga Puritan. Sa pagitan ng huling bahagi ng mga 1610 at Himagsikang Amerikano, mga 50,000 na hinatulan ang dinaong patungo sa mga kolonyang Amerikano ng Britanya. Simula 1614, ang mga Olandes ay nanatili sa baybayin ng babang Ilog Hudson, kasama ang Bagong Amsterdam sa pulo ng Manhattan.
Noong 1674.
Ito ay hango sa www.google.com.ph