Ang Unang Republika ng Pilipinas o Unang Republika Pilipina (opisyal na tinawag na República Filipina, Ingles: Philippine Republic, Lumang Tagalog:Repúbliká ng̃ Filipinas) ay ang pamahalaan ng Pilipinas na itinatag kasabay ng paghahayag ng Saligang Batas ng Malolos noong 23 Enero 1899 saMalolos, Bulacan hanggang sa pagdakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo, ang Pangulo ng republika, sa mga sundalong Amerikano noong 23 Marso 1901 saPalanan, Isabela, na nagtapos sa Unang Republika. Ito ang unang republikang itinatag sa Asya ng mga Asyano.
Ang pagtatatag ng Republika ng Pilipinas ang naging pinakamahalagang pangyayari sa himagsikan ng mga Pilipino laban sa pamamahala ng mgaEspanyol. Ipinahayag ang kalayaan noong 12 Hunyo 1898 at ang pamahalaang diktatoryal na umiiral noon ay pinalitan ng pamahalaang rebolusyonaryo na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo bilang pangulo noong 23 Hunyo 1898.
Nagkaroon ang republikang ito ng Kongresong nagsilbing tagapayo ni Aguinaldo.
Ito ay hango sa tl.wikipedia.org
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento